ang hirap mag blog pag sira ang keyboard mo. yan ang napatunayan ko habang tina-type to. for some reason di ako makapag type ng maayos dahil lahat ng produkto ng Dell ay sirain. ang sarap tumambling at kumembot ng tatlong beses.
kung bakit ngayon ko sinulat to e malaking misteryo din sakin, ang dami daming araw na ayos ang pc ko sa bahay at opisina pero di ako nag blog nun. ngayon ko naisipan. ganyan talaga ang mga retards, unpredictable.
nanonood ako ng TV nung last week nung mapanood ko sa news ang isang balita tungkol sa isang baranggay na nasunog dahil sa dalawang bata na naglaro ng apoy mula sa kandila. gumagamit sila ng kandila dahil naputulan sila ng ilaw. nilalaro nila ito dahil wala silang bantay. wala silang bantay dahil ang magaling nilang ina ay di nila kasama. di nila ksama ang ina dahil nagtratrabaho ito.
sinong sisihin sa ganitong situation?
Meralco? dahil mataas silang maningil, at napaka imposibleng bayaran ang bill lalo na kung single parent ka?!
Yung Mga Bata? dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan e manghang mangha sila sa kapangyarihan ng apoy para maisip nilang "fun" o "cool" ang paglaruan ito?!
yung kumpanya ng nanay nila? dahil di nag provide ng daycare program para sa mga empleyado nilang single parents?!
o
yung mga kapitbahay nila? dahil di man lang nag mabuting loob tulungan ang kapitbahay nilang hirap na hirap na magtrabaho at may dalawang anak pang kelangan asikasuhin?!
sa totoo lang wla akong pakialam. tulad ng karamihan, hanggang di ko baranggay ang nasusunog e mas gugustuhin ko pang matulog kesa makiusisa pero dahil sa TV ko nkita e napaisip na din ako. at napagpasyahan kong ang weirdo ng pilipinas.
mag eeleksyon nanaman at hataw na ang karamihan sa pag ere ng komersyal nila, tulad nito:
anong gusto nyang palabsin sa ad na ito? na marunong syang umarte? alam ng bawat pilipino na hindi mga tunay na tao ang mga nandito. mga aktor na mababa ang talent fee ang mga kausap ni Mar Roxas. and for some reason gusto kong ipamigay sa mga nambubugbog ng bata yung batang lalake n nagmamaneho ng pedicab. di ko alam kung bakit pero yun ang naisip ko. ang magaling mo lang na ginawa e nung minura mo si Gloria sa isang anti cha-cha rally sa Makati. maliban dun Mar, wala kang kwenta.
ito pa ang isa:
wow! ginamit mo ang isa sa sikat na kanta ng isa sa mga sikat na banda ng pilipinas! ibig sabihin nito ay nakakarelate ka sa kabataan! ang lupit mo! iboboto na kita! ULUL! di sapat ang pera mo para bilhin ang boto ko Money Villar! at tigilan mo na ang pag suot ng orange colored polo shirts, its so 1998.
itutuloy
Tuesday, July 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment